168

Nov 21, 2021 @ 13:53
By

Yorme namawis, naghubad sa Payatas

Naghiyawan ang mga tagasuporta ni presidential aspirant at Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa pagbisita nito sa Payatas, Quezon City.

Sa pagbisita ni Yorme sa Payatas, pinagpawisan ang alkalde at piniling magpalit ng capaign shirt sa harap ng mga residente.

Hindi naman napigilan ng mga ilang tagasuporta ang mapahiyaw habang nagpapalit ang alkalde ng kaniyang damit.

Inihagis pa ni Moreno ang kaniyang long-sleeve polo sa mga tagahanga.

Dagdag pa riyan, pinangako ni Moreno na kapag siya ang nahalal na Pangulo sa susunod na taon, uunahin niyang paunlarin ang buhay ng mahihirap.

“Tapos na ang panahon ng mga elitista, basurero naman ngayon,” ani Moreno.

Kilala ang Payatas dumpsite bilang isa sa pinakamalaking tapunan ng basura sa Pilipinas. Maraming residente ang umaasa sa pagbabasura dito. (Sherrylou Nemis)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?