31

By

‘Yolanda Commemoration Day’ pinaaapura sa Senado

Pinamamadali ng Kongreso sa Senado ang pag-apruba sa panukalang taunang magdedeklara sa Nobyembre 8 bilang “Yolanda Commemoration Day” sa Eastern Visayas.

Ito ang apela nina House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez at Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, mga may-akda ng House Bill No. 4960.

“We appeal to the honorable members of the Senate to also pass this measure that is very important to us,” anila.

Nito lamang Lunes, Nobyembre 4, inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo’t pinal na pagbasa ang naturang panukala.

“Despite so much progress that has been achieved in building back our communities even better, we are still mourning for those who perished,” saad pa nila.

Kasabay nito ay pinasalamatan nila ang House leadership sa pag-apruba ng nasabing panukala.

Sa ilalam ng HB 4960, ang November 8 ay idedeklarang special non-working holiday aa Tacloban City at sa mga probinsya ng Leyte, Biliran, Southern Leyte, Northern Samar, Western at Eastern Samar para sa paggunita sa nagdaang Super-typhoon Yolanda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?