100

Feb 27, 2021 @ 13:28
By

Ylona Garcia itsapwera sa ‘Pinas, gumawa ng karera sa Amerika

Opisyal nang bahagi ng American mass media company na 88Rising si Filipino-Australian singer Ylona Garcia.

Ipinahayag naman ng naturang music collective sa Instagram ang kanilang mainit na pagtanggap sa singer.

“Welcome the wonderful Ylona Garcia to the family 🌟 good things to come ❤️.”

Ilan sa mga sikat na mga artist ng naturang kumpanya sina Joji, Rich Brian at Niki.

Magugunitang nakilala ang 18-anyos na singer nang sumali siya Pinoy Big Brother: 737 taong 2015.

Nakaraang taon nang bumalik sa Australia si Garcia kung saan nagtrabaho siya bilang crew member ng McDonald’s.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?