23

Jun 14, 2020 @ 18:12
By

Yeng Guiao: Mga PBA staff baka mawalan ng trabaho

Kung si NLEX coach Yeng Guiao ang tatanungin, hindi na dapat magtagal pa ang ‘lockdown’ sa PBA.

Ayon kay Guiao, kung hihintayin pang mapuksa ang problema sa COVID-19 ay hindi malayong wala nang balikan na trabaho ang mga staff sa liga at mga koponan.

“Ang sa akin kasi, dalawa lang ang option mo. Number one option is you wait for a vaccine, which we don’t know when. Maybe one year or one and a half years? There is consequence in doing that. Baka wala ka nang trabaho kung hihintayin mo ‘yun. Wala kang sweldo,” pakli ni Guiao sa panayam sa Spin.ph.

Kaya dapat ay bumuo na umano ng protocol para maging ligtas ang pagbabalik ng suspendidong season ng PBA.

Sa ngayon ay nagpasa na ang PBA management ng sulat sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease para muling payagan ang training ng mga koponan alinsunod sa health measure para maiwasan ang COVID-19.

Ilan na sa mga koponan ang sumalang sa COVID-19 testing at hanggang ngayon ay walang napaulat na nagpositibo sa nasabing sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?