32

By

Yeng Guiao haharap sa ‘kaaya-ayang’ problema

Sharing is caring!

Sakit sa ulo para kay Gilas coach Yeng Guiao ang pagpili niya sa mga 16 na manlalaro na sasabak sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ngunit itong problema ni Guiao ang gusto niyang mangyari sa ngayon.

“There are a lot of players to choose from and you will pick just 12 so that’s going to cause headache, but it’s a good problem,” saad ni Guiao pagkatapos ng kanilang ensayo sa Meralco Gym.

“What we don’t want is not having a selection to choose from so we have a good problem,” dagdag rin ng NLEX head coach.

Nagpakita ang mga napiling limang manlalaro mula sa SMC sina Scottie Thompson at Greg Slaughter ng Ginebra, Marcio Lassiter at Alex Cabagnot ng San Miguel, at si Ian Sanggalang ng Magnolia.

Kumumpleto sa 16-man lineup ang dating naglaro sa Asiad na sina Christian Standhardinger, Stanley Pringle, Paul Lee, Gabe Norwood, Beau Belga, JP Erram, Raymond Almazan, at Asi Taulava.

Dumalo rin ang tatlong orihinal na miyembro ng Gilas na sina Japeth Aguilar, Matthew Wright, at Allein Maliksi na kasalukuyang suspendido matapos masangkot sa bakbakan laban sa Australia noong Hulyo.

Nakatakdang pumili ng Final 12 ang NLEX mentor sa darating na Lunes, Setyembre 10 at mukhang natutuwa siya sa nakikita niya sa mga basketbolista.

“I’m impressed. I’m excited to see them play for the national team. I feel that we have the materials to compete with Iran and Qatar in this window,” wika ni Guiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?