829

Jan 10, 2020 @ 9:59
By

Yeng Constantino pinaaresto sa cybercrime

Kasong cybercrime ang inihain laban kay singer Yeng Constantino ng doktor na pinangalanan niya sa kanyang vlog tungkol sa naging aksidente ng kanyang asawa at sa “traumatic experience” nila sa Siargao hospital.

Naglabas na rin ng arrest warrant ang Regional Trial Court (RTC) ng Dapa, Surigao del Norte laban sa Pinay pop diva.

Sa naturang July 2019 YouTube vlog, makikita ang galit na si Yeng at ikinuwento nito ang interaksyon sa doktor na si Esterlina Tan, na inakusahan niyang walang sense of urgency at concern.

Naaksidente ang asawa niyang si Yan Asuncion matapos mag-cliff diving sa isang lagoon sa Siargao, at nagtamo ng temporary memory loss.

Humingi man ng tawad at binura ang vlog, sinampahan pa rin si Yeng ng kaso ni Tan.

Hapon ng January 9, 2020, in-upload ng isang Chrismar Lumasag Mocorro sa Facebook page na OPPORTUNITIES FOR DOCTORS PH ang kopya umano ng warrant of arrest sa singer.

Humihingi ito ng tulong sa medical profession gayong wala pa ring aksiyon sa warrant na may petsang Disyembre 12, 2019 at nilagdaan ni Presiding Judge Cesar B. Bordalba ng RTC Branch 31 ng Dapa.

Ang kasong nakalagay sa utos ay “R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) in relation to Article 355 of the Revised Penal Code.”

Makalipas ang ilang oras, binura ng uploader ang kanyang post.

Narito ang buong mensahe ni Mocorro, sa ulat ng Pep.ph:

“Hello fellow doctors. This is posted with consent from Dr. Esterlina Tan.

“She is asking for help from the medical profession because there was no action to the said warrant dated December 12, 2019 for Ms. Yeng Constantino.

“This is a landmark case for cyberbullying and cybershaming for the medical profession and winning this case is a win for all of us. Any news for this?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?