324

Jul 21, 2019 @ 16:21
By

Yeng Constantino nagpasalamat sa local gov’t ng Siargao sa pakikinig sa kaniyang hinaing

Nagpahayag ng pasasalamat si Yeng Constantino sa lokal na pamahalaan ng Siargao sa pakikinig sa kaniyang mga naging hinaing sa naganap na diving accident sa kaniyang asawang si Yan Asuncion.

“Congressman Bingo Matugas salamat po sa pakikinig at nakakatuwa po na malaman ang mga plano nyo sa mga hospitals ng Siargao,” saad ni Yeng.

“Salamat din po sa puso nyo di lamang po yan para sa mga turista kundi para din po sa mga lokal ng Siargao.”

Ito ay matapos na maglabas ng pahayag ang lokal na pamahalaan ng mga plano bilang pagresponde sa mga emergency.

Ayon kay Matugas, nagsusulong na ang lokal na pamahalaan ng legislasyon upang ma-upgrade ang Siargao District Hospital sa Dapa, Surigao del Norte upang maging Level 2 hospital.

“The public may rest assured that the Provincial Government, the local executives, health and tourism officials and this representation have been taking steps to make Siargao as safe a destination as it is beautiful and fun,” nakasaad sa Facebook post ni Matugas na ibinahagi ni Yeng.

“Sana din po ay mapaigi ang training sa mga medical personnels para po sa ikakaepektibo ng serbisyo nila,” ani Yeng. “Nakakaexcite po bumalik! Napakaganda po dyan sainyo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?