8,552

By

Yeng Constantino nag-rant tungkol sa aksidente, binash ng netizens

Inilabas ng singer-composer na si Yeng Constantino ang kanyang hinaing hingil sa naging pagresponde ng isang doktor matapos maaksidente ng kanyang asawa na si Yan Asuncion.

Kwento ni Yeng, nagkaroon ng memory loss si Yan matapos nitong tumalon sa cliff diving spot sa Sugba Lagoon sa Siargao.

Aniya, naging mabilis ang pagtugon ng mga bangkero at ambulansya ngunit nang makarating sa pinakamalapit na ospital sa Del Carmen, kinailangan nilang lumipat sa Dapa Siargao Hospital dahil sa kakulangan nito ng kagamitan.

Ayon kay Yeng, isang doktor ang umasikaso kay Yan kung saan gumamit sila ng ultrasound machine dahil sa nangyaring error sa x-ray machine ng ospital.

Patuloy umanong nataranta ang singer dahil sa hindi pagpapaliwanag ng sa kanya ng nangyayari kung hindi pa niya ito tinanong.

Makalipas ng ilang oras, inamin aniya ng doktor na mayroon silang hindi pa nabubuksan na infrascanner, isang machine na maaaring maka-detect ng brain hemmorage.

Hindi naman niya napigilan na mapikon sa pangyayari lalo na nang sabihin umano ng doktor na, “2 hours na ‘yan, alam mo kung meron yang ano sa ulo, wala na yan siya.”

Ibinahagi rin ng singer ang litrato ng kanyang asawa pati na rin ng doktor.

View this post on Instagram

Part 2 Siargao Accident and scary experience sa Dapa Siargao Hospital. After di magwork ng X Ray, pag ultrsound kay Yan, paghihintay at maraming attitude na lumipad sa ospital eh itong Dra. Esterlina Luzares Tan biglang sinabi na may INFRASCANNER pala sila! All this time na buong tensyon ang room sya lamang ang kalma at tila walang pakialam ay meron palang equipment na tinatago na specifically kailangan sa accident na ito! Para po akong mababaliw! 3. Kakulangan ng malasakit at urgency ng Doctora Esterlina Luzares Tan na umaksyon sa nangyayari. Hindi maarok ng utak ko ang pagkuyakoy nya habang binabasa ang manual ng INFRASCANNER dahil kakaunbox lamang nila nito habang ang asawa ko ay nakahiga di makadilat halos dahil sakit ng ulo na natamo nya sa aksidente. After ng mga nangyaring ito may isang medical staff (ayaw magpapangalan)na kumausap sa bestfriend ko at pinasabi sakin na marami daw talagang namamatay sa hospital sa Dapa Siargao Hospital because of negligence. Sa experience namin malamang lamang na maniwala ako. Kung totoo man po ito sana ay maaksyunan ng local government. Kawawa di lamang ang mga turista kundi ang mga lokal. Habang umaangat ang Siargao sa tourism sana umangat din ang kalidad ng mga Hospitals dito at ang kalidad ng serbisyo sa mga tao! Salamat sa pagbasa sana ay may maganda itong mabunga. God bless us all! Ps. Si Ms. Karen Davila at Kelsey Merritt may naexperience ding ganito sa Siargao. Full Experience namin link on my bio.

A post shared by Yeng Constantino (@yeng) on

Binash naman ito ng mga netizen at sinabi na hindi dapat niya binanggit ang pangalan at ipinakita ang litrato ng doktor dahil labag ito sa batas.

May ilan din na nagsabi na idaan na lamang ito sa legal na proseso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?