1,561

Dec 9, 2021 @ 13:13
By

Yen Santos pinaka-inalam sa Google ngayong taon

Ang aktres na si Yen Santos ang numero unong female personality na sinearch ng mga Pinoy user ng Google, ayon sa datos na inilabas ng search engine giant ngayong Huwebes.

Ito ay kasabay ng paglabas ng Google Philippines ng top 10 topics na sinearch sa kanilang search engine ngayong taon.

Para sa kategoryang female personalities, numero uno sa bilang ng search sa Google si Yen, na sinundan nina Rabiya Mateo, AJ Raval, Hidilyn Diaz, Leni Robredo, Sara Duterte, Bella Poarch, Olivia Rodrigo, HoYeon Jung at Olivia Culpo.

Sa male personalities naman, nanguna sa bilang ng search si Jake Gyllenhaal, na sinundan nina Kim Seon-ho, Hwang In-youp, Gerald Anderson, Dylan O’brien, Scottie Thompson, Dominic Roque, Giannis Antetokounmpo, Carlo Paalam at Mel Sarmiento. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?