14

Oct 12, 2021 @ 14:50
By

Yen Santos nag-comeback sa IG para mag-story

Instagram story lang muna si Yen Santos sa kanyang pagbabalik sa naturang social media site matapos ang ilang linggong pag-deactivate nito.

Matatandaang nagpaalam si Yen sa Instagram sa gitna ng pagkakadawit niya sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes.

Naispatan pa ng ilang netizen sina Paolo at Yen na magkasama sa Baguio City,

Bukod sa IG story kung saan pinakita lang ni Yen ang larawan ng dalawang libro, wala pa rin siyang post at wala pa ring fina-follow kahit na sino.

Gayunman, nananatili pa rin ang mahigit dalawang milyon niyang followers.

Una ng pinagtanggol ni Paolo si Yen at sinabing walang kinalaman ang aktress sa hiwalayan nila ni LJ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: