149

By

Yen Santos game sa same-sex relationship

“Hindi ka naman nai-inlove dahil sa babae o lalaki siya. Marami akong kaibigang bading at may kakilala ako na lesbian ang karelasyon. So nakikita kong may true love. Nagkakaroon ng true love sa dalawang babae at dalawang lalaki.”

Ito ang pahayag ni aktres Yen Santos sa ulat ng Pilipino Star Ngayon.

“Kaya ko po nasabi ito kasi baka bukas may ma­kilala kang lesbian na bigla kang ma-in love. Kasi binibigyan ka ng tamang pagmamahal na hindi mo nakukuha sa iba sa mga naging past mo, ‘yung mga gano’n po,” sabi pa ng aktres.

Nakwento rin ni Yen na may ilang tibo na nagkagusto sa kanya noong elementary student siya, “pero hindi naman seryoso.”

Ipapalabas na sa Nobyembre 13 ang pelikula niyang “Two Love You,” kasama sina Kid Yambao at mga komed­yanteng MC at Lassy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?