63

Nov 20, 2021 @ 20:44
By

Yen, Paolo nag-dinner as a friend?

Naka-alerto na naman ang mga ‘Marites’ ngayong Sabado kaugnay ng mga Instagram story nina Yen Santos at Paolo Contis.

Una, sa IG story ni Yen ay ipinakita nito ang tent na naka-set-up para sa isang romantic dinner.

Nakasaad din sa story ni Yen na para sa kanyang birthday dinner ang tent.

Ngayong Sabado ang ika-29 kaarawan ng aktres.

Ngunit lumikot ang isip ng mga tsismosa matapos makita ang IG story ni Paolo, na bagamat selfie lamang niya ay kita sa background ang mismong disenyo ng tent na nasa story ni Yen.

Nakasulat din sa story ni Paolo ang ‘dinner time.’

Kaya maging ang Facebook page ni ‘Senyora’ ay nakaamoy na rin at ikinalat ang mga nabanggit na IG story ng dalawa sa social media.


Matatandaang unang kumalat ang isyu tungkol sa dalawa matapos maispatang magkasamang naglalakad sa Baguio City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?