64

Sep 19, 2019 @ 22:36
By

Yellow warning itinaas sa Metro Manila, kalapit na lalawigan

Itinaas na ng PAGASA ang yellow warning sa Metro Manila dahil sa patuloy at malakas na pag-ulan.

Batay sa inilabas nitong advisory nitong Huwebes, sakop din ng yellow warning ang Cavite, Rizal, Zambales, Bataan at Laguna.

Asahan ang mahina hanggang sa bahagya at occasional heavy rains sa Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Batangas at Quezon.

Samantala, mahina hanggang sa bahagyang ulan naman at panaka-nakang malakas na pag-ulan ang iiral sa Metro Manila at Calabarzon.

Kalat-kalat na pag-ulan naman dahil sa isolated thunderstorms ang makakaapekto sa Batanes, Babuyan Islands, Calamian Islands, Mindoro Provinces, Marinduque, Camarines province at Catanduanes.

Nitong Setyembre 19 din lumakas bilang tropical storm ang bagyong Nimfa, na sa Sabado pa ng umaga inaasahang lalabas ng PAR.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?