9

Oct 21, 2020 @ 14:19
By

Yehey! Quarantine pass ‘di na required sa Cavite mall

Hindi na kailangang magprisenta ng quarantine pass ng mga gustong pumasok sa mga mall sa Cavite.

Ayon ito kay Governor Jonvic Remulla sa Facebook ngayong Miyerkoles, Oktubre 21.

“Yehey! Puede na magliwaliw,” sambit pa ng opisyal.

Kailangan lang aniyang magpakita ng official government ID o school ID na nagpapatunay na ang inyong edad ay mula 15 hanggang 65.

“Ngunit may 3-hour limit tayong ibibigay. Mag-ingat ng (sic) husto sa paglibot,” ani Remulla.

Pinaalala niya rin ang mga health protocol laban sa pagkalat ng sakit na COVID-19: pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas at pagsa-sanitize ng mga kamay, at pagpapanatili ng physical distancing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?