19

By

Yayo Aguila, masaya kapag naa-appreciate ang actin

Sharing is caring!

Ngayong Linggo na, August 12, ang awards night ng Cinemalaya 2018 na gaganapin sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines.

Maraming mga pangalan para sa Best Actor, Best Actress at mga counter part nila sa supporting categories ang lumulutang at sinasabing paboritong sumungkit ng award sa gabing iyon.

Isa sa nababanggit na may laban para sa Best Supporting Actress award ay si Yayo Aguila. Siya ay napapanood sa pelikulang The Lookout. Kasama ni Yayo sa pelikulang ito ni Direk Afi Africa sina Andres Vasquez, Jay Garcia, Elle Ramirez, Rez Cortez, Efren Reyes, Jeffrey Santos, Ahwel Paz, Jemina Sy, at iba pa.

Nang usisain namin si Yayo hinggil sa feedback na narinig namin na magaling siya sa The Lookout at puwedeng manalo ng award, ito ang kanyang sagot:

“Naku! Ayaw kong mag-dwell sa mga sinasabi nila, pero nakakataba ng puso kasi naa-appreciate ang craft ko.

“Kapag may mga naririnig o nababasa akong ganyan, mas nai-inspire at namo-motivate ako na husayan ang trabaho ko. Kapag nanalo… salamat! Kapag hindi… okay lang din. Kasi, napabilang ako sa mga premyadong aktres at malaking fulfillment yun for me.”

Marami raw hubaran sa The Lookout?

Reaksiyon ni Yayo, “Hahaha medyo… but all was done in a tasteful way at need naman sa istorya.”

Ikaw ba naghubad or nagpa-sexy rin dito? “May ginawa ako rito na first time, though, hindi naman naghubad. Pero daring siya and I don’t regret doing it,” pahayag pa ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?