53

Sep 19, 2021 @ 16:19
By

Yayamaning bebot tinodas ni utol

Patay ang isang babaeng negosyante matapos barilin ng sarili niyang kapatid sa Butuan City.

Kinilala ang suspek na si Raymundo Cuenca III na bumaril sa kaniyang ate na si Rayjane Cuenca Sobremisana, isang negosyante.

Ayon sa ulat ng GMA News, matapos ng pamamaril ay hinabol pa ng suspek ang isa niyang kapatid sa kalsada ng New Society Village sa nasabing lungsod.

Batay sa report, sinubukan pang pakalmahin ng kapulisan si Raymundo.

Matapos ang ilang sandali ay naagaw ng nakasibilyang pulis ang baril ng suspek.

Pumalag pa ang suspek ngunit pinagtulungan ito ng kapulisan.

Batay sa report, naganap ang krimen habang nasa loob ng opisina ang magkapatid. Anang mga saksi, nakarinig na lamang sila ng putok ng baril na akala nila’y gulong lang na sumabog.

Kasalukuyan pang umaarangkada ang imebestigasyon ng kapulisan hinggil sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?