20

Jan 11, 2022 @ 15:43
By

Yayamanin! Donnalyn Bartolome nagpa-‘money tub’ sa mga beshie

Ngiting tagumpay ang mga friends ni Donnalyn Bartolome dahil tumiba sila sa pa-“money tub” challenge ng singer para i-welcome ang bagong taon.

May isang nakahakot ng P50,000 habang malaki rin ang napanalunan ni Zeinab Harake. Sumali rin sa challenge si Mika Salamanca.

Sa challenge, nakatakip ang mga mata ng player saka uupo sa bathtub na puno ng perang papel mula P20 hanggang P1,000 at may dolyares din.

May nakahalo ring special money o “The O.M.O. Money” kung saan kapag napulot, maaari silang manalo ng P5,000 hanggang P100,000.

Dalawang perang papel ang pipiliin ng participant na siyang maiuuwi niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?