hanged
By

Yaya nagbigti sa harap ng 2 alagang bata

Sharing is caring!

Winakasan ng 16-anyos na dalagita ang kanyang buhay sa pamamagitan nang pagbigti sa harap ng dalawa niyang alagang bata sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay SPOI Ronnie Ereno, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang nagpakamatay ay nakilalang si Maria Elaiza Decano, 16-anyos, dalagita, at residente ng No. 5407 IBP Road, Barangay Commonwealth, Quezon City.

Dakong ala-1:25 ng madaling araw nang matagpuan ang nakabigting katawan ni Decano sa ‘wooden beam’ sa pinag-tatrabahuhan nitong apartment sa No. 2700 IBP Roadng nasabing barangay.

Batay sa pahayag ni Daniel Guarino, kalapit-bahay lamang sa pinagta-trabahuhan ng biktima, naririnig niya ang dalawang bata na alaga ni Decano na walang tigil sa pag-iyak kaya minabuti niyang puntahan ito dahil hindi umano siya makatulog.

Subalit nang silipin umano niya ang loob ng bahay na pinagta-trabahuhan ng biktima ay laking gulat niya nang makita nito ang nakalutang na paa ni Decano at doon ay nalaman niyang nagbigti ito.

Agad umano niyang pinuntahan ang bahay ng biktima na di-kalayuan lamang at ipinaalam sa kapatid nitong si Tomy Decano ang ginawang pagpapakamatay ng kapatid na dalagita.

Mabilis namang pinuntahan ni Tomy ang bahay kung saan nagbigti ang kapatid na dalagita at doon ay mabilis niyang ibinaba ito mula sa kisame na pinag-bigtihan at tinanggal ang tali na nakapulupot sa leeg ng biktima, subalit wala na itong buhay.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang naganap na insidente upang alamin kung walang ‘foul play’ sa umanoy pagpapatiwakal ng dalagita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?