87

Feb 27, 2021 @ 15:20
By

‘Yaya Dub’ lumitaw sa ABS-CBN

Ikinatuwa ng mga netizen ang biglaang paglitaw ng mukha ni Kapuso star Maine Mendoza sa isang show sa ABS-CBN.

May surpise video greeting kasi siya para sa kanyang nobyo na si Arjo Atayde na nag-renew ng kanyang kontrata sa naturang network.

“I wish you more success in your career, more projects, more challenging and exciting roles. And please know that I am always here — for you, with you, and always right behind you to give you my 110% support in everything that you do, and also to celebrate every milestone with you, like this one,” saad ni “Yaya Dub” sa video.

“There’s so much in store for you, that I know for sure. Pero ngayon pa lang, sasabihin ko na sobrang proud ako sa ‘yo — sa mga narating mo at sa mga mararating mo pa. Just keep doing what you love. ‘Yun lang, congratulations and love you,” dagdag pa niya.

Naging emosyonal naman ang aktor at sinabing “unexpected ‘yun ah.”

Nagpasalamat naman ng aktor sa naturang network na nagsilbing tahanan niya ng ilang taon.

Kasabay nito, tiniyak ni Atayde na hindi niya tatalikuran ang pagiging Kapamilya.

“I owe it to everyone here beside me. I owe it to people behind the camera. I owe it to my co-actors. I owe it to each and every one in ABS-CBN. They took care of me, they always made sure I was fine. I’m getting so emotional. It just feels home, it feels like home it’s crazy,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?