16

Dec 7, 2021 @ 15:05
By

‘Yawi’ nagbabu sa Nexplay Evos

Hindi na magiging parte ang tank na si Tristan ‘Yawi’ Cabrera ng koponang Nexplay Evos sa Mobile Legends Professional League (MPL) Philippines.

Ito ay matapos ianunsyo ng NXP ang paglisan ng manlalaro ngayong Martes.

Unang naging parte si Yawi ng NXP noong MPL season 6, kung saan nabuo ang big three nila nina John Paul ‘H2wo’ Salonga at Renejay ‘RENEJAY’ Barcarse.

Nitong katatapos na MPL season eight ay tinulungan ni Yawi ang NXP na makarating sa fourth place ng liga.

Samantala, ang pag-alis ni Yawi ay nangyari isang araw matapos lisanin ni Karl ‘Karltzy’ Nepomuceno ang Bren Esports.

Matatandaang nagkaroon ng bali-balitang magsasama-sama sa isang koponan sina Yawi, Karltzy at si Benedict ‘Bennyqt’ Gonzales ng ECHO Esports

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?