224

Jun 24, 2022 @ 15:23

Yawi, Jen Nierva mag-jowa nga ba?

Viral ngayon sa Facebook ang sweet photo nina volleyball star Jennifer Nierva at Mobile Legends pro player na si Tristan ‘Yawi’ Cabrera.

Sa kumakalat na larawan, halos langgamin na ang dalawa at naka-kiling pa ang ulo ni Nierva sa balikat ni Yawi.

Humakot na ang larawan ng mahigit 3,000 shares. Pinost ito sa fan account ni Nierva at naka-tag pa ang official FB page ni Yawi sa Facebook.

Kaya naman, nagsaboy ng kilig sa mga Mobile Legends at volleyball fan ang naturang larawan.

Samantala, noong UAAP Season 84 finals kung saan naglaro si Nierva para sa NU Lady Bulldogs, may ilang mga netizen ang nagsabing naispatan nilang nanonood nang live si Yawi.

Wala pa namang opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon. Wala pa rin silang reaksyon tungkol sa viral photo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?