26

Oct 14, 2021 @ 16:15
By

Yassi Pressman nagtampisaw sa poso

Enjoy si Yassi Pressman sa buhay probinsya sa Siargao at pati pagligo sa poso ay kanyang kinahumalingan.

Bida sa Instagram post ni Pressman ang paggamit niya ng tabo at timba na nakasahod sa poso habang binobomba ng isang lalaki na ayon sa aktres ay isang kapitbahay sa Siargao.

“The simple things! Salamat po sa mga kapitbahay na pinayagan ako na magrinse sa labas ng bahay nila bago umuwi after magsurf! Hihi lablab,” wika ni Yassi sa caption.

Kasalukuyang nagtatampisaw ang aktres sa alon ng Siargao ay ineenjoy rin niya ang ganda ng lugar na makikita sa iba pa niyang mga IG post. (mjd)

https://www.instagram.com/p/CU_FqvYhxjh/?utm_medium=copy_link&fbclid=IwAR0MFSYv61omSOsaDGCiRlX2Y5QxzylsIotcd19badgGyvi4qy8QIlSPuqw

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?