290

Oct 8, 2017 @ 13:04

Yassi, lagare sa ‘harutan’ kina Coco Martin at Sam Milby

Isang Daang Habang Buhay at hindi na Ang Pambansang Third Wheel ang pamagat ng bagong movie project nina Yassi Pressman at Sam Milby sa Viva Films.

Nanggaling ang paglilinaw mula kay Yassi nang makausap siya ng Abante sa story conference ng Para Sa Broken Hearted, ang pelikula na pagbibidahan nila nina Sam Concepcion, Shy Carlos, Louise delos Reyes at Marco Gumabao.

“Iba na ‘yung title ng Ang Pambansang Third Wheel. Isang Daang Habang Buhay na ang pamagat na same title ng bagong single ko. Sana mapakinggan n’yo.

“Nagulat ako nang mag-decide si Boss Vic del Rosario na palitan ang title pero I’m happy, lalo na’t ang daming nangyari sa kuwento namin,” ang sabi ni Yassi na naisisingit sa taping ng Ang Probinsyano ang shooting ng mga pelikula na ginagawa niya.

Mula Lunes hanggang Sabado ang taping ni Yassi para sa Ang Probinsyano pero ginagawa ni Coco Martin ang Ang Panday kaya nakakapag-shooting siya para sa Isang Daang Habang Buhay kapag hindi available ang lead actor ng primetime teleserye ng ABS-CBN.(Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?