144

By

Yasmien Kurdi tinulungang makalaya ang BJMP inmate

Isang preso sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang natulungan ng aktres na si Yasmien Kurdi na makalaya.

Habang nagso-shoot ng ‘Beautiful Justice’, napansin ni Yasmien ang mga naka-display na painting.

Dito ay pinaliwanag sa kanya na ang pagbili ng isang painting ay makakatulong para mabayaran ang piyansa ng isang inmate.

Kaya naman sa kanyang pagbili ay nakalaya ang isang babaeng inmate na si Maricris Estrada.

“Ang saya at nakakaiyak ‘yung feeling ko ngayon na alam kong makakapagpalaya ako ng tao. Makakalaya ka na Ms. Maricris Estrada.”

“Makikita mo na ‘yung mga anak mo sa labas ng kulungan. Alagaan mo sila,” saad ng aktres.

View this post on Instagram

ATM Habang nag tataping ako ngayon for #BeautifulJustice dito sa BJMP Tagaytay, napansin ko na ang daming art works at paintings na naka-paligid sa amin… Yun pala, kapag naka-bili ka daw ng isang art piece na gawa ng mga preso, makakalaya ang isang tao dahil may pang piyansa na siya 😍 Ang saya at nakakaiyak yung feeling ko ngayon na alam kong makakapagpalaya ako ng tao❤️ Makakalaya ka na Ms. Maricris Estrada 😘 Makikita mo na yung mga anak mo sa labas ng kulungan 😘 Alagaan mo sila ❤️Salamat Warden Aris Villaester sa pag accomodate samin habang nag taping ngayon ang BJ Team sa kulungan … ang saya po talaga ng pakiramdam ko ngayon❤️ at sa pintor na si Kuya Jason … ang ganda ng gawa niyo 🤙🏻 #Happy #Blessed #Thankful #SayNoToDrugs

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?