8
hindi-ko-kaya
By

Yasmien gusto nang magpakamatay

Sharing is caring!

Hindi alintana ng mga fan ang init at sumugod talaga sila sa lugar kung saan nagti-taping ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Doon ay tinutukan nila ang eksena sa isang tulay kung saan tila magpapakamatay ang karakter ni Yasmien Kurdi na si Thea. ‘Yun na nga kaya ang kahahantungan ng kanyang kwento?u

Sa pinakahuling episode nito, kahit anong pilit itago nina Adel (Gina Alajar) at Ava (Jackie Rice) si Thea ay hindi sumuko si Marco (Mike Tan) na mahanap ang kanyang asawa. Anong pagmamaltrato pa ba ang aabutin ni Thea sa kamay ng dalawang malditang ito?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?