28

Yasmien, Dion nagkabalikan

May bagong aabangan ang mga loyal fan ni Yasmien Kurdi dahil siya ang bibida sa upcoming serye ng GMA na Hiram na Anak.

Matapos ang kanyang top-rating advocaserye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka, muling pinagkatiwalaan ng Kapuso Network ang magaling na aktres para sa proyektong ito.

Makakasama ni Yasmien sa programa sina Paolo Contis, Dion Ignacio, Lauren Young, Maey Bautista at Leanne Bautista. Reding-ready na nga si Yasmien na sumabak sa taping at looking forward siya sa balik-tambalan nila ni Dion.

“Exciting siya kasi after 10 years, ngayon ulit kami magkakasama ni Dion. Ang last show namin ay Saan Darating Ang Umaga. Medyo gamay na namin ang isa’t isa. First time ko rin na makakatrabaho si Lauren.”

Ang Hiram na Anak ay sa ilalim ng direksyon ni Gil Tejada, Jr. (Joe Barrameda)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?