425

Yasay kinontra si Locsin: Passport data ‘di nanakaw!

Pinabulaanan ni dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. ang inilahad ng ngayo’y Foreign Affairs head na si Teddy Boy Locsin Jr. na ninakaw umano ng dating contractor sa paggawa ng pasaporte ang data sa nasabing dokumento.

Ayon kay Yasay, naging payapa ang pagtatapos ng kontrata ng Oberthur, dating contractor sa passport, bago malipat ang paggawa ng electronic passport system sa APO Production Unit Inc. (APUI) na konektado sa United Graphic Expression Corporation (UGEC).

“When APO and UGEC came in, Oberthur withdrew. After all it was just assisting the government in the management of the operating system for free, the Oberthur already completed its contract,” saad ni Yasay said sa ANC.

“To say now that Oberthur ran away with the data is completely false,” dadgag pa niya.

Kaya tingin ni Yasay ay may ibang mga opisyal na gustong pagtakpan ang tunay na isyu sa passport nang ilahad ni Locsin na may mga ibang miyembro ng DFA na ini-report kay Locsin ang pagkakaroon ng data breach sa passport.

“The only compelling reason I could see is because they wanted to deflect the real issue of the passport mess, which is awarding the production of the passport from an end-to-end basis to APO (APUI) without any bidding and APO in turn subcontracted to a private firm known as UGEC in violation with the law,” pakli ni Yasay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?