124

Dec 25, 2019 @ 18:24
By

Yari na naman! Paul Lee ‘iro-roller coaster’ ni misis

Nagbabalik na naman ang mga pampasabik post ni Magnolia star Paul Lee ngayong nasa Japan sila ng kanyang anak na si Tokyo.

At syempre hindi mawawala ang kanyang maybahay na si Rubie Chua-Lee.

Sa unang post ay makikipagkita umano si Lee sa kanyang nakakilala sa Friendster, na iyon pala ay si Rubie.

“Namili muna ako bago ko i-meet yung babaeng kausap ko ๐Ÿ˜‰ Nakita ko profile picture niya sa friendster chix na chix ang datingan,” sey ni Lee.


Natuloy pa ang kwento nang sabihin daw ni Rubie na ihanda ni Paul ang kanyang sarili dahil malamig sa Japan.

“Sabi ko sakanya sobrang lamig ngayon dito sa Japan noh sagot ba naman sakin oo sobra, kaya i-handa mo yang sarili mo,” aniya pa.

Sunod ay sinabi ni Lee na mapasaya lang daw niya si Tokyo ay iro-rollercoaster daw siya ng kanyang misis.

“Pasayahin ko lang daw baby niya, i-roller coaster daw niya ako mamaya,” pabirong hayag ni Lee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?