72
kobe
By

Yapak ni Benjie, sinundan ni Kobe

Sharing is caring!

Sumunod si Kobe Paras sa yapak ng kanyang amang si Benjie.

At least, sa eskuwelahang pinaglaruan sa kolehiyo.

Opisyal nang miyembro ng UP si Kobe. Galing siya sa paglalaro sa Cal State Northridge sa US.

Kahapon ay nag-tweet ang UP Fighting Maroons (@upmbt): “Kobe Paras joins UP. The Paras legacy lives on.”

“The University of the Philippines is the most respected educational institution in the country,” ani Kobe sa kanyang statement. “The attraction of UP is not just its basketball program, which just gets better each year, but the world-class education it is known for.”

Sina Benjie Paras at Ronnie Magsanoc ang nagbigay ng huling kampeonato ng Fighting Maroons sa UAAP noong 1986.

“I look forward to the challenge of helping make the Fighting Maroons a better basketball team, and the challenge of helping myself become a better student,” dagdag ni Kobe.

Ilang taon nang naglilimlim sa ilalim ng UAAP standings ang Fighting Maroons, ang battle cry nila ngayong Season 81 ay ‘Nowhere To Go But UP.’
Kahapon ng umaga ay unang nag-tweet si Kobe (@_kokoparas) ng “moves have to be made” bago sinundan ng “I’m not here to chase any ghost. I’m here to enjoy my life and create my own wave.”

Nitong offseason, napadpad din sa Diliman si Ricci Rivero matapos kumalas sa De La Salle U Green Archers.

Pero sa Season 82 pa makakalaro sina Paras at Rivero dahil kailangan muna nilang tapusin ang one-year residency rule.

Nasa UP rin sina Bright Akhuetie, Will Gozum, at magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liano. Pare-parehong Gilas cadets sina Paras, Rivero, Gozum at Juan GDL.

Si Bo Perasol ang head coach ng Maroons, isa sa mga ayudante niya si Ricky Dandan na dating coach ng Columbian Dyip sa PBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?