23

Oct 5, 2021 @ 16:06
By

Yap target maging Benguet rep

Matapos ang kanyang unang termino bilang kinatawan ng ACT-CIS party-list, tatakbo si Rep. Eric Yap bilang kinatawan ng Benguet sa Kamara de Representantes.

Si Yap ay naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) ngayong Martes sa provincial office ng Commission on Elections (Comelec)-Benguet.

Siya ay kasalukuyang chairperson ng House Committee on Appropriations.

Noong Enero 2020, si Yap ay itinalagang caretaker ng Benguet matapos ang pagkamatay ni Benguet Rep. Nestor Fongwan Sr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?