20

Oct 14, 2021 @ 21:22
By

Yap suportado ni Caracut

Bukod sa paglalaro sa 46th Philippine Basketball Association 2021 Philipine Cup elims-quarters semi bubble sa Bacolor, Pampanga, naging abala rin ang Rain or Shine star na si James Carlos Yap Sr. sa pagba-vlog.

Sinimulan ng 39 na taong-gulang, 6-2 ang taas na guard-forward ang vlog kung saan ipinakita ang routine ng Elasto Painters. Ibinahagi ang pagbiyahe, pagpunta sa ensayo, ginagawa bago at matapos ang praktis at makauwi sa villa.

Isa sa sumuporta sa vlog ni Yap ang kanilang rookie na si Andrei Caracut.

Ibinida pa ng bagito Huwebes sa kanyang instagram story ang kuha habang pinapanuod ang entry ni Yap sa kaniyang youtube channel.

“Oh, Manong. Support ako sa vlog mo ah. Guys, subscribe na kayo kay Manong.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?