59
king
By

Yap, Romeo nakaasinta kay Maliksi

Sharing is caring!

Patibayan ng pulso ang pinakamatatalas na snipers ng PBA para pag-agawan ang titulo bilang Three-Point King sa All-Star weekend.

Pangunahing misyon ng mga marksmen ay patalsikin si defending champion Allein Maliksi.

Sabay ang three-point shootout, slam dunk contest at obstacle course sa May 25, sa Batangas leg ng midseason spectacle na suportado ng Phoenix Fuel with Pulse Technology.

Kabilang sa mga challengers sina former champions Terrence Romeo at James Yap.

Iniuwi ni Maliksi ang titulo noong isang taon sa Lucena City sa contest na nagkatalo sa huling bola. Sa final, ibinaon ng dating UST stalwart ang money ball sa last rack para ungusan sina LA Tenorio at Romeo.

Balik din si Tenorio, kasamang magpapamalas ng tikas sa long range sina Marcio Lassiter, Matthew Wright, Paul Lee, JVee Casio, Larry Fonacier, Stanley Pringle, Ronald Tubid at KG Canaleta na late replacement ni injured Garvo Lanete.

“There’s a lot of great competitors. Hopefully I could bag one in,” lahad ni Lassiter. “It’s going to be a fun weekend.”

Back-to-back winner ng side event si Romeo noong 2015-16, kampeon si Yap noong 2009.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?