136

May 21, 2019 @ 17:30
By

Yap, Rain or Shine dadalo sa TOPS ‘Usapang Sports’

Mangunguna para sa 23rd “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) si PBA two-time Most Valuable Player James Yap ng Rain or Shine Elasto Painters, Huwebes, Mayo 23 sa National Press Club, Intramuros.

Kasama si assistant coach Chris Gavina, na hahalili kay head coach Caloy Garcia, tatalakayin ng mga ito ang paghahanda ng koponan sa PBA Commissioner’s Cup.

Aattend din kasama ni Yap na may pitong PBA titles mula 2005 hanggang 2014 sina Gabe Norwood, Beau Belga at Javee Mocon kung saan ay sasabak na ang mga ito sa Mayo 31 kontra sa Meralco Bolts.

Suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Associstion at HG Guyabano Tea Leaf Drink, bibida rin sa forum si multi-awarded Kasilawan Taekwondo Club of Makati coach Gani Domingo.

Ilan sa mga kilalang miyembro ng samahan sina Kristiana Catalina Tiu, gold medalist sa Asian Taekwondo Federation at Carlos Palanca Jr. Taekwondo Championships; Justin Agno, gold medalist sa ATF at CPJ; Aldrich Vincent Paul Merin, gold medalist sa CPJ at Batang Pinoy; Charles Benjamin Gavan, gold medalist sa NCR meet; Victor Rodriguez, gold medalist sa NCR; at Tatiana Batalla, gold medalist sa Smart New Face.

Mag-aalay din ang TOPS ng isang minutong panalangin para kay late Philippine Swimming League (PSL) president Susan Papa.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight na makiisa sa weekly sports forum na mapapanood din sa Facebook live via Glitter Livestream.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?