72

Nov 7, 2017 @ 12:58
By

Yap, J-Wash kondisyon na

Handa na ulit sumabak ang mga kamador ng Rain or Shine na sina James Yap at Jay Washington pagkatapos makaranas ng injuries nu’ng nakaraang Governors Cup.

Sina Ronnie Matias at Dexter Maiquez ay napapirma na rin sa mga bagong kontrata sa Elasto Painters.

Nagkaroon ng lugar si rookie Rey Nambatac sa E-Painters matapos pawalan na si Billy Ray Robles. No. 7 pick overall ng RoS si Letran star guard Nambatac sa PBA Draft noong Oct. 29.

Ang sentrong si Jomari Sollano, kapwa-Knight ni Nambatac at kinuha ng Rain or Shine na pang-19 overall sa draft, ay pinayagan ng mag-try out sa ibang teams.

“Sobra na kasi kami sa bigs, pero who knows? Baka magkaroon ng opening sa amin and if he is still available kukunin namin siya,” pahayag ni Painters coach Caloy Garcia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?