140

Jul 20, 2018 @ 19:34
By

Yap, ‘di pinatulog si Cone, Ginebra

Ano ang kailangan para maputol ang pananalasa ng isang astig na team?

Isa pang tigasin ding player – si James Yap.

Sa dagger 3 ni Yap sa dulo, naputol ang eight-game winning run ng Ginebra na nagsimula pa noong eliminations matapos nilang malubog sa 1-5.

Hindi pinatulog ni Yap ang Ginebra at si coach Tim Cone.

“Knowing coach Tim, hindi matutulog mamaya ‘yan,” ani Yap sa coach na kasama niyang naghatid sa B-Meg sa grand slam noong 2014. “Pag-aaralan nila ang mali nila.”

Itinakbo ng Rain or Shine ang 109-100 panalo Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum para ibuhol ang PBA Commissioner’s Cup semifinal series sa tig-isang laro.

Hindi pinaiskor ng Elasto Painters ang Gin Kings sa final 3:25, kasabay ng pasabog na 12-0 finishing kick para pinturahan ang ‘W’.

Lima sa run na ‘yun ay galing sa 18 points ni Yap, pinakamalutong ang 3 na nagbigay sa kanila ng 107-100 edge 67 seconds na lang.

Pumuputok sa playoffs si Yap, balik ang dati niyang laro na nagbigay sa kanya ng dalawang MVP plum. Hindi siya nagdalawang-isip sa huling pukol.

“Walang hesitation,” giit ni Yap, 36, tumapos ng 7 of 12 sa field, 3 for 5 sa 3s. “Wala kang choice kundi itira mo yun. Buti nakita ako ni Chris Tiu.”

Nang mawala sa kamay ang bola ay alam na raw niyang hahaginit sa net.
“Pag-release ko ang sarap ng feeling. Alam kong papasok,” aniya. “Ramdam eh. May ganyan na ‘pag bitaw mo, alam mong papasok.”

Pinangunahan ng 25 points, 20 rebounds at eight assists ni Reggie Johnson ang Painters.

Sa panig ng Ginebra, may 29 markers at 12 boards si Justin Brownlee.

Babasagin ng magkatunggali ang pagkakabuhol sa Game 3 sa Sabado sa MOA Arena. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?