13

Dec 5, 2020 @ 14:12
By

Yantok para mapatupad health protocol, pinalagan ng CHR

Pinaalalahanan ng Commission on Human Rights ang gobyerno dahil sa paggamit ng yantok ng awtoridad para mapatupad ang social distancing.

Saad ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, hindi dapat takutin ang publiko ng karahasan para masolusyunan ang problema sa pandemya.

“Violence, even in its slightest suggestion, is not the best way to address the pandemic. Rather, government should continue to employ information dissemination to make the people understand the hazards of going out in the midst of a pandemic, as well as implement programs guided by the sound advice of science and health professionals,” saad ni De Guia.

Saad pa ng CHR, dapat pagtuunan ng pansin ang public health dahil hindi isyu ng peace and order ang COVID-19 pandemic.

Matatandaan na sinabi ng bagong Joint Task Force COVID Shield commander na si PLt. Gen Cesar Hawthorne Binag na magdadala ng mga yantok ang social distancing patrol na puwedeng ipamalo sa mga sasaway sa protocol.

“Meron pa kaming tinawag na social distancing patrol, ito ‘yung pinag-utos ng ating chief PNP si General [Debold] Sinas… May hawak na yantok ‘yan, isang metro ‘yan, pangsaway, tapos panukat. Pamalo na rin doon sa matitigas ang ulo,” saad ni Binag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?