10

By

Yankie Haruna susi sa 7th ‘W’ ng Blazers

Sharing is caring!

Pinintahan ng College of Saint Benilde Blazers ang ikapitong panalo sa 10 salang nang biguin ang University of Perpetual Help System Dalta Altas 91-87 Huwebes sa second round eliminations ng NCAA Season 94 sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Dahil sa panalo, pinalakas ng Blazers ang asam na Final Four spot tangan ang 7-3 baraha. Lagapak naman sa 5-5 karta ang Altas.

“This is a big win for us, ‘yun nga it give us the separation for the final four spot atl least for two games. And the good thing there is hindi na namin makakalaban ang Perps,” saad ni CSB coach TY Tang.

Bumida sa Blazers si Yankie Haruna sa inirehistrong 19 puntos, anim na rebounds at tigatlong assists at steals.

“All we have to do is stick to the game plan and luckily everybody stepped up and we played as a team,” ani Haruna.

Hindi naman sapat ang 36 puntos, 17 rebounds at isang assist na pakita ni foreign player Prince Eze para isalba ang Altas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?