56
morales

Yaman ni Morales nadagdagan ng P17.7M

Sharing is caring!

Sapul nang maluklok bilang pinuno ng Office of the Ombudsman noong 2011, nadagdagan ng P17.778 milyon ang yaman ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Ito ay batay sa kanyang isinumiteng Statement Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Sa kanyang latest SALN, idineklara ni Morales ang kanyang net worth na P58,527,347.84 hanggang nitong Disyembre 31, 2017 o pagtaas ng P4.4 milyon kumpara noong 2016 kung saan may net worth itong P54.13 milyon.

Si Morales, na magreretiro bilang Ombudsman sa Hulyo, ay nagsimula sa kanyang pitong taong termino na may net worth na P40.749 milyon,

Ang pinakamalaking pagtaas ng yaman ni Morales ay mula sa kanyang personal properties na nadagdagan ng P9.936 milyon matapos ang pitong taon.

Ang kanyang personal properties, kasama ang kotse, alahas, libro at cash investments ay may total worth na P38.976 milyon noon 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?