331

Jan 21, 2019 @ 22:41
By

Yaman ng ’26 richest’ tumataas ng $2.5B kada araw

Payaman ng payaman ang mga bilyon ang pera, habang bumababa naman ang salapi ng pinakamahihirap sa kalahati ng populasyon.

Sa naging pag-aaral ng nakita na nasa $2.5B ang naidadagdag sa yaman ng 26 na pinakamayayaman sa buong mundo.

Dumoble rin ayon sa study ang bilang ng mga bilyonaryo, ngayon ay nasa 2,208 matapos ang financial crisis isang dekada na ang nakararaan.

Ang numerong nakakapukaw ng pansin ay ang yaman ng 26 na pinakamayayaman ay nasa $1.4 trillion, tinatayang katumbas ng kabuuang pera ng nasa 3.8 bilyong katao na nasa laylayan.

Base sa Forbes, kasama sa 26 richest ay sina Jeff Bezos ng Amazon, Bill Gates ng Microsoft, at Mark Zuckerberg ng Facebook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?