29

By

Yam inulan ng mensahe mula sa mga kabit

Sharing is caring!

Nakatutok umano sa trabaho ngayon si Yam Concepcion matapos i-extend ang hit Kapamilya teleserye nilang “Halik”.

Kaya kanselado muna ang bakasyon ngayong Pasko ng aktres.

Ayon kay Yam, dapat abangan ang ilang eksena sa mga darating na gabi sa “Halik”.

Asahan umano ang second chances at kung paano mare-realize ng karakter niyang si Jade ang pagkakamali at kung paano ito itatama.

At dahil sa husay ng kanyang pagganap bilang isang babae na umibig sa lalaking may asawa, aminado si Yam na marami ang naka-relate sa kanya at humihingi pa umano ng payo sa pamamagitan ng social media.

“Maraming nag-DM (direct message) sa ‘kin na mga babae like from New York, mga OFW, na talagang sabi nila na ‘we’re mistresses also, and I don’t blame Jade kasi nagmahal lang naman tayo.’ ..Hindi nila pinlano ‘yun, hindi nila pinlano na magmahal and to be a mistress, and no one wants to be a mistress,” aniya sa panayam sa ABS-CBN.

Hindi naman umano niya sinasabing tama ang maging kabit pero hindi umano dapat hinuhusgahan ang mga ito.

Bukod kay Yam, kasama niya rin sa “Halik” sina Sam Milby, Jericho Rosales at Yen Santos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?