148

Jul 25, 2021 @ 15:41
By

Yam Concepcion kinasal sa yate

Officially taken na si Yam Concepcion matapos itong ikasal sa kanyang non-showbiz partner.

Sa Instagram story ni Tim Yap, makikita ang ilang highlights sa kasal ni Yam at ni Miguel CuUnjieng.

Naganap ang wedding sa isang yate sa New York, kung saan makikita sa background ang ‘Statue of Liberty’.

Dati nang nilantad ni Yam na siya’y engaged na kay Miguel noon pang 2018.

Sa Facebook post naman ni showbiz reporter MJ Felipe, binahagi nito ang kanyang group photo kasama si Yam at mister nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?