665

By

Yahoo Messenger, RIP na sa July

Umpisa sa July 17, 2018, isasara na ang Yahoo Messenger, isa sa pinakaunang instant messaging service sa internet.

Sa mensahe ng Yahoo! sa kanilang chat service, sinabi nito na alam nila na maraming loyal user ang Yahoo Messenger pero minabuti nila na isara ito matapos ang dalawang dekada para tumutok sa mga bagong paraan ng komunikasyon na mas nababagay sa mga konsyumer.

Ayon sa Yahoo, mayroong anim na buwan ang milyun-milyon na gumagamit ng kanilang messenger para i-download ang kanilang chat history.

Inirekomenda din nito na burahin ang Yahoo Messenger app sa kanilang smartphone matapos ma-download ang chat history nito.

Pero tiniyak ng Yahoo! sa kanilang help page na walang epekto ang pagsasara ng kanilang messaging service sa Yahoo ID nito at maaari pa rin itong magamit sa iba pa nilang serbisyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?