8

Apr 8, 2021 @ 17:44
By

‘Yahoo Answers’ lulusawin

Matapos ang may 16 taong operasyon, nagdesisyon ang technology company Yahoo na i-shutdown na ang kanilang longest-running free Q&A forum na “Yahoo Answers”.

Nakatakdang magwakas ang online forum sa Mayo 4, 2021, ayon sa anunsyo ng Yahoo.

Hindi umano maaapektuhan ang mga Yahoo account at service ng kanilang mga parokyano.

Unang namayagpag online ang “Yahoo Answers” noong 2005 habang 2001 ang Yahoo.

Walang tinukoy na dahilan ang Yahoo ng pag-shutdown sa kanilang online forum.

Disyembre 2020 una nang isinara ng kompanya ang kanilang Yahoo Groups.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?