742

Jun 8, 2019 @ 12:15
By

Yabang ni Draymond nasaraduhan: Raptors 3-1 na!

Sa bawat koponan na kumubra ng 3-1 advantage sa serye, 33 dito ang dumiretso sa kampeonato, isa lamang ang nakalusot.

At mukhang malapit-lapit na ang Toronto Raptors sa promised land nang padapain ang Golden State Warriors, 105-92, sa Game 5 ng NBA Finals.

Wala pa rin si Kevin Durant, balik naman si Klay Thompson, ngunit ‘wa epek pa rin ito sa tikas ng Raptors.

Mainit si Klay sa pagsisimula, tumapos ng 28 points ngunit nang ipahinga ay nabawasan ang production, habang si Steph Curry naman ay nahirapan sa depensang ibinabato ng Raptors.

Salitan ang guwardiya kay Curry, epektibo ang switching defense nina Kyle Lowry, Fred VanVleet at Pascal Siakam sa two-time league MVP.

Dahilan ng maalat na three-point shooting nito, dalawa lang ang napasok sa siyam na bato ngunit nakaiskor pa rin ng 27 points.

Marami naman ang nagbida sa Raptors, ang kanilang apat na starter na sina Lowry, Siakam, Serge Ibaka at Kawhi Leonard ay nakatungtong sa double digit.

36 ang kinamada ni Kawhi, karamihan ay sa third quarter kung saan pinalobo sa 79-67 ang score papasok ng fourth at hindi na muling nakabangon pa.

Matatandaan na noong Game 2 win ng GSW ay nagyabang si Draymond Green, sinabing ididiretso na ang serye at pagbalik sa Game 6 ay hawak nang muli ang Larry O’Brien trophy.

Ngunit baliktad ang sitwasyon ngayon, sa Game 6 ay sisikapin na ng Toronto na magkaroon ng perfect ending ang kanilang Cinderella run sa sariling balwarte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?