539

Sep 22, 2020 @ 16:33

Xyriel pumalag sa mga nagpiyesta sa kanyang boobs

Hindi na-flatter ang dating child star na si Xyriel Manabat sa pag-viral ng kanyang larawan kamakailan.

Giit niya sa interview ni TV writer Darla Sauler na binahagi sa YouTube, kailanman ay hindi magiging OK ang sexual harassment.

Kaugnay ito sa pag-viral ni Manabat matapos masorpresa ang mga netizen sa malusog niyang hinaharap sa litratong naka-post sa kanyang Instagram kung saan nakasuot siya ng puting crop top at maroon shorts.

Hindi kinatuwa ni Xyriel ang ilang bastos at sexual comment na natanggap niya dahil sa post. Tinawag niya itong “below the belt”.

Nagbiro naman ang ina ni Xyriel at sinabing walang magagawa dahil asset nila iyon (boobs).

Nakiusap naman si Xyriel sa publiko na tigilan na ang mga bastos na komento sa mga menor de edad na katulad niya.

“Never po siyang nakakatulong. Lalo na po sa ganitong may pandemic na marami pong pinagdadaanan na mental health na problems, huwag na po sumabay. Respect na lang po,” sey pa ng dating child star.

Nakilala si Xyriel sa mga TV series na “Agua Bendita”, “Momay” at “100 Days To Heaven”.

Naging Best Child Actress din siya 36th Metro Manila Film Festival para sa movie na “Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To!)”.

Sa ngayon ay 16 years old na si Xyriel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?