12,088

Jan 12, 2022 @ 17:57
By

Xian tinanong ambag ni Ion sa P500K donasyon nila ni Vice

Kumana na naman ang pambansang Marites na si Xian Gaza.

Sa latest Facebook post niya, tinarget naman niya ang magdyowang sina Vice Ganda at Ion Perez.

Tinanong ni Xian kung magkano ang totoong ambag ni Ion sa P500,000 donation na ibinigay nila ng partner niyang si Vice sa online benefit concert ni Regine Velasquez para sa mga biktima ng bagyong Odette.

“No hate. Just pure humor. If you find it very offensive sa part ni Ion, here’s the logic: Magiging conjugal lamang ang isang donation kung kayong dalawa ay kasal na. Hangga’t hindi pa kayo kasal, yung financial donation ninyo ay titignan as separate amounts. Ang tanong ngayon, sa 500K na yan… magkano yung galing kay Vice at magkano yung galing kay Ion?” sambit ni Xian.

Sa kabila nito ay nagpasalamat si Xian sa tulong ng Vice-Ion sa mga nasalanta.


(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?