134

Nov 30, 2021 @ 16:27
By

Xian nagpatutsada kay Cristy Fermin, tinawag pang lola

Humakot ng libo-libong reactions ang open letter ng social media personality na si Xian Gaza sa showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Sinabi ni Xian na buwisit na buwisit sa kanya si Fermin dahil nasapawan niya ito.

“Alam mo bakit bwisit na bwisit ka sa akin? Because for the very first time in your 65 years of existence eh ngayon ka lang naka-encounter ng isang tao na higit kalahati ng iyong edad tapos mas maingay ang pangalan sa mundo ng Philippine tsismis. Nasapawan kasi kita. Naapakan yung ego mo,” ani Xian sa Facebook post na mayroon nang 44K reactions.

“Sobrang sakit no’n. I feel you. Huwag ka mag-alala dahil mataas ang respeto ko sayo bilang haligi ng gossip journalism sa ating bansa. Kahit nilampaso ng Isyus by Xian Gaza ang iyong Cristy Ferminute brand, ika’y hindi maaalis sa puso ng sambayanang Pilipino. We love you, Lola Cristy,” dugtong niya.


Matatandaang muling nag-trending si Gaza dahil sa mga blind item nito sa mga artista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?