27

Aug 26, 2020 @ 19:18
By

Xian Lim humagulgol sa lolang may cancer

Hindi napigilang maiyak ni Xian Lim nang i-share na nakikipaglaban sa breast cancer ang kanyang lola.

Sa maiksing Instagram video kinuwento ng aktor ang tungkol sa kondisyon ng kanyang lola.

“So today’s a different type of day. We are bringing my lola to the hospital,” panimula ni Lim habang pinipigilang maiyak.

Sinabi niyang sasailalim ang lola niya sa mastectomy, kung saan aalisin ang isang suso nito.

“I don’t know why I’m making this video. I guess it’s more for people to take a moment and enjoy the moments you have with family and friends. That’s it,” ani Lim.

Nilinaw naman ni Lim na hindi tungkol sa pamamaalam ang kanyang post.

“My grandma is okay. This is not a farewell video. It’s just that I just wanted to share a little of something,” aniya.

“I barely share anything. I’m a closed person pero, ‘yon nga, sa lahat nang nagyayari ngayon I just wanted to share some positivity to my viewers and to all that’s watching na baka may mapulot kayong something na aral. Just love the people around you.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: