71

Sep 7, 2021 @ 18:31
By

Xian Lim adik sa manika

Maliban sa pagmomotor, mahilig pala ang aktor na si Xian Lim sa mga manika.

Sa ulat, inamin ni Xian na may passion siya sa ventriloquism na kadalasang gumagamit ng puppet prop.

Nagkainteres daw siya sa mga puppet dahil sa 2008 movie na “Forgetting Sarah Marshall”.

Tingin niya, hindi raw masyadong nabibigyan ng halaga ang art ng pagboboses sa mga puppet.

Dahil dito, nagsimula siyang mangolekta ng mga puppet.

Noong March, sa kanyang YouTube vlog ipinagmalaki ni Xian ang puppet collection niya kabilang na si “Andok Manok”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,