xian-gaza

Xian Gaza sumuko sa Malabon Police kaugnay sa investment scam

Sharing is caring!

Sumuko na si Xian Gaza sa Malabon Police ngayong Huwebes kaugnay sa investment scam.

Si Gaza ang lalaki sa likod ng “billboard date proposal” sa aktres na si Erich Gonzales na naging viral.

Ginawa ni Gaza ang anunsiyo sa kanyang Facebook ngayong araw.

“I’m Christian Albert Gaza known as Xian Gaza, surrendering today,” aniya.

Nahaharap si Gaza sa arrest warrant dahil sa kabiguan nitong dumalo sa pagdinig sa Malabon court kaugnay sa reklamong inihain laban sa kanya nina Jaime Asuncion at Melinda Cruz.

Inakusahan ng dalawa si Gaza na nanloko sa kanila sa pag-invest sa isang coffee shop.

Sa mga larawan, makikita si Gaza sa loob ng pasilidad na nakangiti at naka-peace sign. Humingi pa ito ng tulong para sa kanyang piyansa.

“Friends and supporters… I need about P160,000 right now. I hope you could help me. Gusto ko makalabas (I want to be free). I want to start a new life. Nagkamali ako (I made a mistake), I became a scammer, I became a fraud,” aniya sa video na ipinoste ng reporter na si Marc Cayabyab.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?